Tuesday, July 27, 2010

Ang makasaysayang unang SONA ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino, III (buod)

Noong nakaraang Lunes, Hulyo 26, 2010, ginanap ang kauna-unahang SONA ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino, III. Sa aking pakikinig sa kanyang SONA, isiniwalat niya ang mga anomalyang ginawa umano ng nagdaang administrasyong Arroyo. Sa kanyang tono palang ng kanyang pananalita, ay tila marami siya pinatamaan sa sinundan niyang administrasyon, partikular sa ibang ahensya ng pamahalaan. Dito ay maraming kontrobersiya ang lumabas, at ito ang mga sumusunod:

*Na di umanoy matagal na tayong nililigaw ng pamahalaan sa tunay na kalagayan ng ating bansa.
*Umabot sa P196.7 bilyon ang budget deficit ng ating bansa.
*Lumobo umano ang utang ng NFA sa P171.6 bilyon noong Mayo.
*Halos nalimas na raw ang P1.54 trilyon sa ating pambansang badyet.
*Ginamit ang P108 milyong calamity fund sa isang distrito lang sa Pampanga, samantalang P5 milyon lang ang natanggap sa Pangasinan.
*Ang kwestyonableng pasweldo ng MWSS, gayong hindi naman nakakatanggap ang mga retirees.
*Ang kwestiyonableng pagpapatayo ng mga bahay malapit sa La Mesa Dam.
*5 araw bago bumaba sa kanyang termino, naglabas umano ang nooy Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng P3.5 bilyon para sa rehabilitasyon para sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy at Pepeng.
*Pinilit umano ng NAPOCOR na magbenta ng kuryente nang palugi.
*Pinilit umano ng MRT na panatilihing mababa ang pamasahe gayong palugi na ito.
*At ang pinakakontrobersiyal sa mga binanggit ni Pangulong Aquino sa kanyang SONA ay mga sako-sakong bigas na nabulok sa kamalig ng NFA, dahil sa over importation.


Sa kanya ring SONA, binanggit niya ang mga gagawin ng kanyang administrasyon, at ito ang mga sumusunod:

*Pag-iimbistiga sa anomalya sa MWSS.
*Pag-iimbistiga sa anomalya sa paggamit ng Road users fund.
*Hahabulin ng gobyerno ang mga tax evaders.
*Tututukan ng Pamahalaang Aquino ang extra judicial killings.
*Pagpapanagot sa mga mamamatay-tao at mga corrupt sa gobyerno.
*Pagpapaigting sa public-private partnership.
*Gagawan ng paraan ng Pamahalaang Aquino ang mga gamit ng AFP.
*Ang paglipat ng punong himpilan ng Philippine Navy sa Kampo Aguinaldo.
*Pagpapatayo ng mga imprastraktura para sa turismo.
*Paglikha ng mga trabaho.
*Babawasain ang Red Tape.
*Pabibilisin ang build operate and transfer projects.
*National household targetting system para sa mga pamilyang nangangailangan ng tulong.
*Hingan ang tulong ng kongerso para matupad ang mga plano niya.
*Aaksyunan ang kakulangan ng tubig sa Metro Manila.
*Pagsusulong sa Fiscal Responsibility Bill.
*Pag-aamyenda sa Procurement Law.
*Pagsusulong sa Whistleblower Bill.
*Usapang pangkapayapaan sa CPP-NPA at MILF.
*Pagpapaalala sa mga miyembro ng media na bantayan ang kanilang sariling hanay.
*At ang positibong pahayag nito na pwede nang mangarap ang sinuman.




REAKSYON/PUNA:

Sa aking reaksyon sa SONA ng Pangulong Benigno Simeon C. Aquino, III. na umabot ng halos 40 minuto, maganda naman ang kanyang mga ipinahayag, malaman, makabuluhan, makatotohanan, maraming patama. Ang lalong nagpahanga sa akin ay ang paggamit niya ng wikang Pilipino, kaya marami sa mga kababayan natin ang nakaunawa sa kanyang SONA, at napagtanto nila kung ano talaga ang tunay na kalagayan ng ating bansa. Kung magbibigay ako ng puntos na 1-10, ay bibigyan ko siya ng 10, dahil napabilib niya ako sa kanyang mga sinabi sa kanyang SONA.
Kapuna-puna naman, ang ilan sa mga kapanalig ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, tila nasaktan at tinamaan ang mga ito sa mga binanggit ng Pangulong Benigno Simeon C. Aquino, III. Todo dipensa ang mga ito sa nagdaang administrasyon, at sabay sabi na pawang mga bintang ang mga binanggit ng Pangulong Aquino. SA LOOB-LOOB KO, KUNG HINDI NAGPALIT ANG ADMINSTRASYON AY HINDI MAGSASALITA ANG MGA ITO, AT MAGKUKUMAHOG SA MGA MAMAMAHAYAG NA KUNIN ANG KANILANG PANIG, NA HINDI NILA GINAWA NOONG SILA PA AY NAKAUPO SA PWESTO, GINAMIT PA NILA ANG E.O. 464 AT EXECUTIVE PREVIELEDGE PARA MAKAIWAS SA PAGSASALITA SA KINAKASANGKUTAN NILANG MGA KONTROBERSIYA. MAY PAGKAKATAON PA NGA NA INAAWAY PA NILA ANG MGA MAMAMAHAYAG AT PAGBABANTAAN NA SAMAPAHAN SILA NG KASO LABAN SA MGA ITO. Kaya ang masasabi ko sa mga taong ito, SAGUTIN NIYO NALANG NANG MAAYOS ANG MGA BINIBINTANG NILA SA INYO, AT WAG NANG MANISI NG IBA DAHIL KAYO ANG MAY KASALANAN, KUNG SINAGOT NIYO SANA NOON PA ANG MGA BINIBINTANG SA INYO AY HINDI NA SANA AABOT PA SA PUNTONG ANG PANGULONG BENIGNO SIMEON C. AQUINO, III. PA ANG MAGBUBUNYAG SA IYONG MGA ITINATAGONG BAHO.

1 comment:

  1. The Ultimate Guide to Slots - Dr.MCD
    What 부천 출장안마 are the best slots? | Casino Sites. The answer to this question depends on your point of view. 여수 출장샵 Some 삼척 출장안마 slots aren't as flashy, but 충청북도 출장안마 they're 화성 출장안마

    ReplyDelete